Friday, December 23, 2011

Tanga lang ang niloloko



matalino ka man, may mas tatalino pa sa'yo



Maraming nang nagbago sa bansa natin. Bagong teknolohiya, bagong gusali, bagong pag-uugali at bagong mga gamit.
Kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbago ng mga istilo ng mga manloloko't mang-gagancho na makikita natin saan-saan at lalo na dito sa internet.
Sabi ng mga matatanda sa amin, tanga lang daw ang mga naloloko.
Hindi ko to masyadong maabsorb kasi sabi ng drug addict kong kaibigan: matalino man ang matsing, naiisahan din!
Sino ba talaga ang tama?
At sino naman ang mali?
Sa palagay ko tama silang dalawa kasi kung pagsasamahin natin ang matsing at taong tanga, pareho lang sila sa pananaw ng tao kasi yung isa, tao nga, tanga nman! at saka yong matsing, matalino nga, matsing naman! Pero sino ba talaga ang totoong tanga?
Ang taong likas na sa kanya ang katangahan?
o ang taong alam na mali ang ginagawa nila ngunit patuloy pa rin nila itong ginagawa?
Isa lang ang masasabi ko dyan.
Sa limang matalinong pinoy, sadyang may mas matalinong isa kaya nagiging tanga ang huling apat.
Totoo ba to? Oo! kasi kung matalino ka, hindi ka padadala sa mga SCAMS dito sa internet.
Isang beses ko lang po tong sasabihin sa inyong lahat.
Nagbago na po ang istilo ng mga kawatan ngayon.
Donation na po ang hinihingi nila para sa mga taong nabiktima na flash flood.
Huwag po kayong magpaloko mga kaibigan ha?! Kasi Matalino ka man, may mas tatalino pa sayo.

PS: Magbigay po kayo ng donasyon sa mga rehistradong organisasyon lamang. Hindi dun sa mga nakikita nyong donate here, donate there.


Cge po. Paalam!


-administrator na gago-
sorry mga co-admins ko nasa tagalog ang post nato. mas ok to para mas klaro.

No comments:

Post a Comment